-- Advertisements --

Patay ang dalawang pulis sa Israel matapos na sila ay pagbabarilin.

Base sa imbestigasyon na pawang mga Israeli Arab citizens ang mga suspeks na napatay din sa lugar na pinangyarihan sa Hadera City.

Inako naman ng Islamic State ang nasabing pag-atake kung saan sa kanilang social media account ay nagpost ang mga ito ng pahayag.

Dinala naman sa pagamutan ang apat na biktima na nasugatan sa insidente.

Ang atake ay naganap ilang araw matapos ang pagpatay din ng IS supporter sa apat na biktima sa Beersheba City.