DIPOLOG CITY – Dead on the spot ang dalawang pulis matapos masangkot sa isang road accident sa National Highway Purok 3, Barangay Guilawa Malangas sa Zamboanga Sibugay.

Kinilala ang namatay na sina P/Cpl. Jourecel Jake Celestial at Pat Alexander Laquinon.

Patuloy namang ginagamot ang apat na nasugatan na sina P/Cpl. Rommel Apiong, Pat Stephen Ray Alicando, Pat Arcel Matugas, at Pat Logie Servo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na patungo sana sa Diplahan, Zamboanga Sibugay, ang mga biktima sakay ng Navarra Frontier na minamaneho ni P/Cpl. Apiong nang bigla itong mag-overshoot sa palikong bahagi ng daan at bumangga sa puno.

Idineklarang dead on the spot sina Celestial at Laquinon dahil sa malubhang sugat na tinamo ng mga ito.

Napag-alaman na parehong miyembro ng 903rd Maneuver Company na nakabase sa Camp Del Castillo, Barangay Candiis, Malangas, Zamboanga Sibugay ang mga naaksidenteng pulis.