-- Advertisements --

Patay ang dalawang katao habang marami ang sugatan matapos ang sagupaan ng mga anti-government protesters at mga security forces sa Bangladesh.

Sumiklab ang kaguluhan sa Dhaka kung saan nanawagan ang mga protesters kay Prime Minister Sheikh Hasina na bumaba sa kaniyang puwesto ilang buwan bago ang halalan sa Enero.

Namatay ang isa sa lugar kung saan nagaganap ang kilos protesta habang ang isa naman ay dinala pa ito sa pagamutan subalit hindi na nagtagal.

Mayroong mahigit 1,400 na protesters ang kanilang naaresto at nasampahan na ng kaso mula ng sumiklab ang kilos protesta noong Oktubre 21.

Nabahala naman ang United Nations Commissioner for Human Rights dahil sa nasabing kaguluhan kung saan maraming mga protesters ang nasugatan.