Umabot na sa critical level ang health care utilization rate sa dalawang probinsya sa bansa.
Sa lingguhan national address ni Pangulong Rodrigo Duterte, nitong gabi iniulat ni Health Sec. Francisco Duque III na umabot na sa critical level ang health care utilization rate sa Davao de Oro, Compostela Valley, at Bagiuo City.
Nasa high-level naman aniya ang health care utilization rate sa Nueva Vizcaya at Agusan del Norte.
Gayunman, tiniyak ni Duque ang patuloy nilang koordinasyon sa mga regional health centers, Department of Interior and Local Government, at local government units upang masolusyunan ang health care capacity sa mga probinsyang ito.
Ang health care utilization rate ay tumutukoy sa bilang ng mga intensive care units, isolation beds, at ventilators na kasalukuyang ginagamit sa health at medical facilities sa isang lugar.
Samantala, bukas, Enero 26, nakatakdang talakayin naman ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang bagong quarantine classifications para sa buwan ng Pebrero.