Reading Time: 1 minute

ROXAS CITY – Nagdadalamhati ang mga Pinoy workers sa Taiwan dahil dalawang kababayan ang namatay matapos maaksidente ang sinasakyang motorsiklo.

Sakay ng motorsiklo ang hindi na pinangalanang Filipino workers na tinatayang 34-anyos na lalaki at 28-anyos naman ang babae.

Kapwa nagtatrabaho sa Hiwin at Canon Corporation ang dalawang biktima.

Napag-alaman na binabaybay ng mga biktima ang daan ngunit pagdating sa 28-line na Qishan ay sumalpok ang motorsiklo sa guardrail ng kalsada at nahulog sa 15 metrong bangin.

Patuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga pulis sa aksidente.