-- Advertisements --
AP23280288778376

Nakapagtala na ang Philippine Embassy in Israel ng mga Pilipinong sugatan nang dahil sa pag-atake ng militanteng grupo na Hamas sa ilang bahagi ng Israel.

Ayon kay Philippine Embassy in Israel Consul General at Deputy Chief of Mission Anthony Mandap, mayroon nang dalawang Pilipino ang napaulat na sugatan sa gitna ng nagpapatuloy na kaguluhan sa nasabing bansa.

Aniya, isa sa mga ito ay nabaril habang sinasagip ng Israeli defense forces mula sa isang shelter, habang ang isang Pinoy naman ay na-suffocate matapos na sunugin ng ilang miyembro ng Hamas ang bahay ng kaniyang amo na kaniya ring tinutuluyan.

Ayon sa opisyal, inaasahan pa ang posibilidad na madagdagan pa ang naturang bilang ng mga Pilipinong nadamay sa nangyayaring sigalot kung kaya’t patuloy din ang kanilang ginagawang imbestigasyon ukol dito.

Sa ngayon ay iniulat naman ni Mandap na wala pa rin silang naitatalang mga Pilipinong nasawi nang dahil sa naturang pangyayari mula sa 30,000 mga Pilipinong nasa Israel.

Samantala, kumpara noong nakalipas na mga araw ay sinabi rin ng envoy na bahagya na ring humupa ang kalagayan sa Israel ngunit gayunpaman ay nananatili pa rin ang tense ang sitwasyon doon