-- Advertisements --

Nagkaroon ng matinding pagsubok ang dalawang Pinoy na sumabak sa semifinals ng “Asia’s Got Talent”.

Unang nagtanghal si Philip Galit o kilalang si Shadow Ace na agad na nakakuha ng golden buzzer sa mga host na sina Alan Wong at Justin Bratton.

Pinuri ng mga judges na sina David Foster, Jay Park at Anggun ang performance ni Galit at tiwala silang malaki ang tsansa nito sa finals.

Hindi naman gaano napahanga si Foster sa performance ng 12-years old na gitaristang si Rock Opong dahil sa kanta nitong “I Believe”.

Sinabi ni Foster na hindi bumagay ang kanta sa edad nito at kailangan na makinig sa payo nito.

Ang dalawang Pinoy performer ay haharap sa ilang mga semifinalist gaya ng Maniac Family ng Taiwan, Once Upon a Time ng Vietnam, Ale Funky ng Indonesia, Takumi Takahashi at Fabulous Sisters ng Japan.

Pasok naman sa finals ang Indonesian singer na si Siti Saniyah matapos mapabilang ito bilang “judges’ pick”.