PASAY CITY – Mag-uuwi ngayon ang 2 bronze medal ang womens division ng Karatedo federation of the Philippines sa Kumite event ngayong araw sa nagpapatuloy na Southeast Asian Games.

Kahit hindi nakalusot sa semi finals ng laro nabigyan muli ng tyansa si Mae Soriano na ipamalas ang galing matapos ipanalo ang tinatawag na repecharge o yung tinatawag na Wild Card.

Hindi naman ito sinayang ni Soriano at tinalo si Istri Sanistyarani ng Indonesia sa mahigpit na laban at natapos ang laro sa isang kalamangan lamang ng Pilipinas (5-4) sa -55kg womens Kumite.

Samantala, naging malapit naman ang swerte kay Bernice Orbon matapos makuha nito ang bye sa bronze medal match kung kaya hindi ito nahirapan dahil walang kalaban.

Masaya naman ang mga manonood na Pinoy kahit hindi gold o silver ang nakuha ng dalawang Pinay athlete sa larong karatedo. (Report by Bombo John Salonga)