DAVAO CITY – Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9484 o Philippine Dental Act of 2007 ang dalawang mga indibidwal na nagpapanggap na mga dentista matapos na mahuli ang mga ito sa isinagawang operasyon sa Roxas Extension, Barangay Tres de Mayo lungsod ng Digos.
Sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Digos City Police Station (DCPS), ikinasa nila ang joint operation laban sa mga suspek dahil walang lisensiya ang mga ito at base na rin sa kanilang natanggap na reklamo.
Sinasabing Caught in the act ng CIDG at DCPS ang mga pekeng dentista habang nagsasagawa ng orthodontic braces na walay certificate of registration, professional identification card, at special permit.
Narekober mula sa kanilang posisyon ang mga P1,000 na marked money at mga iba’t ibang dental equipment.
Nanawagan ngayon ang otoridad sa publiko na agad makipag-ugnayan sa kanila kung may malalaman na nasasangkot sa parehong illegal na mga aktibidad lalo na at hindi ito ligtas sa kalusugan.