-- Advertisements --
Napatay ng mga kapulisan ng Wisconsin ang isang suspek na namaril at ikinasawi ng dalawang katao sa Wisconsin.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, nakatanggap sila ng tawag na mayroon pamamaril sa restaurant sa Oneida Casino/ Radisson Hotel and Conference Center complex malapit sa Greenbay.
Sinabi ni Lieutenant Kevin Pawlak ng Brown County Sheriff na napatay nila ang suspek.
Wala aniya ang target ng suspek sa lugar kaya napagbalingan niya ang kakilala ng posibleng kaaway nito.
Dinala naman sa pagamutan ang isang biktima na nasugatan sa insidente.