GENERAL SANTOS CITY – Hintayin ng Pulisya na lumabas ang authopsy report mula sa Scene of Crime Operatives na nagresponde sa pagpatay sa dalawang biktima matapos pwersahang pinasok ng apat na mga lalaki ang bahay ng mga ito.

Ayon kay Police Major Ananias Vasquez ng Makar Police Station na kanila nang inaalam ang background nina Fred Takuling Mamalo, 60 at Alenor Mansola Ame, 26, driver, pawang mga residente ng Purok 11 Lanton, Apopong nitong lungsod.

Nitong pasado alas otso ng umaga ng Huwebes ng biglang dumating ang mga suspek at pinasok ang dalawa at walang habas na pinagbabaril.

Patay ang dalawa dahil sa mga tama ng bala sa kanilang katawan.

Kahit nagpatuloy ang paghahanap ng pulisya sa mga suspek subalit hindi muna nagpalabas ng pahayag sa pagkakilanlan ng mga suspek si Vasquez.

Matatandaan na mula sa buwan ng Enero hanggang sa kasalukuyan 17 na ang shooting incident ang nagyayari 12 na ang patay lima ang sugatan.