Nag-iwan ng dalawang indibidwal na patay ang nangyaring pagsabog sa pagawaan ng mga blasting caps sa Sto. Tomas, Batangas, alas-11:00 kaninang umaga.

Ayon kay Batangas Police Provincial Director S/Supt. Edwin Quilates, naganap ang pagsabog sa may Madison Garden Subdivision, Barangay San Roque.

Sinabi ni Quilates na nangyari ang pagsabog sa dulo ng subdivision at malayo sa mga kabahayan.

Iniimbestigahan na ng Batangas-Philippine National Police ang insidente.

Hindi pa matukoy ni Quilates ang identity ng dalawang nasawi.