-- Advertisements --

Nagtala na ng dalawang katao ang malawakang wildfire sa northern California.

Nakita ang mga bangkay ng mga biktima sa loob ng kanilang sasakyan sa isang driveway.

Sinabi ni Siskiyou County Sheriff Jeremiah LaRue na maaring tatakas sana ang mga biktima sa sunog subalit sila ay naabutan.

Nauna ng idineklara na ni California Governor Gavin Newsom ang state of emergency dahil sa sunog na nagsimula pa noong nakaraang linggo.

Aabot na rin sa mahigit 600 na mga bumbero ang nagtulong-tulong para sa agad na maapula ang nasabing sunog.