TACLOBAN CITY – Dalawa katao ang patay habang sugatan naman ang isa pa sa nangyaring pamamaril at pananaga sa Sitio Banawag Brgy. Langit Alangalang, Leyte dahil sa away tungkol sa lupa.

Ayon kay PSSgt. Clody Hipe, Duty Investigator ng Alangalang Municipal Police Station, matagal ng may alitan tungkol sa lupa ang pamilya Rama at Pepito kung saan maraming beses na din silang nagsampa ng nagreklamo laban sa isat isa sa stasyon ng pulis.

Lumalabas sa paunang imbestigasyon na sinugod daw ng pamilya Rama ang pamilya Pepito kung saan nagpaputok ng baril si Virgillio Rama, 62 anyos kung saan natamaan at namatay si Boyet Espino Pepito habang sugatan naman ang kapatid nitong si Norman Espino.

Dahil dito ay gumanti ang kapatid ng mga Pepito na si Noel Espino at pinagtataga patay si Virgillio Rama.

Boluntaryo naman sumuko sa mga otoridad si Noel Espino at nasa kostudiya na rin ng mga kapulisan ang anim na myembro ng pamilya Rama.

Kasong murder at frustrated murder ang isasampa sa pamilya Rama habang murder case ang inihain kay Noel Espino dahil sa pananaga niya kay Virgilio Rama.