-- Advertisements --
Tumaas pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa nangyaring wildfire sa Maui Island sa Hawaii at dalawa pang Pilipino ang dumagdag sa bilang.
Kinilala ang mga nasawi na sina Rogelio Mabalot, 68, tubong Laoag City, at isa pang matanda.
Kinumpirma ng anak ni Mabalot na si Richelle ang pagpanaw ni Rogelio sa isang online post. Nangyari ang kumpirmasyon matapos tumugma ang kanilang DNA sample.
Huling nakita si Rogelio noong Agosto 8 ng 3:30 ng hapon, malapit sa Banyan Tree sa Lahaina.
Ang iba pang mga Pilipino at Filipino-American na namatay sa trahedya ay sina Salvador Coloma, 77; Carlo Tobias, 54; Rodolfo Rocutan, 76; Conchita Sagudang; Danilo Sagudang, 55; at Alfredo Galinato, 79.