Inirekomenda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dalawa pang number-coding scheme para masolusyunan ang problema sa trapiko sa kakalsadahan sa National Capital region.
Sa bagong number-coding schemes, sinabi ni MMDA chairman Romando Artes inaasahang mababawasan ang bilang ng mga sasakyan ng hanggang 40 porsyento at 50 porsyento.
Sa iprinisentang unang number-coding scheme ni Artes kay Pangulong rodrigo Duterte na tinawag na ‘)dd-Even Scheme”, ang mga behikulo na may licdense plate na nagtatapos sa 1,3,5, at 9 ay bawal bumiyahe sa kakalsadahan sa Metro Manila tuwing araw ng Lunes at huwebes habang ang mga may plaka naman na nagtatapos sa numerong 2,4,6 at 8 ay bawal bumiyahe tuwing araw ng martes at biyernes.
Sa naturang scheme din ay walang ipapatupad na coding sa araw ng Miyerkules.
Samantala, sa ikalawang proposal naman ng MMDA na tinawag na modified Number coding Scheme, ang mga sasakyang may plaka na nagtatapos sa 1,2,3 at 4 ay hindi papayagan na bumiyahe sa araw ng Lunes habang ang mga mga license plate naman na nagtatapos sa 5,6,7 at 8 ay hindi pwedeng bumiyahe sa araw ng Martes.
Sa araw naman ng Miyerkules, ang mga may plakang nagtatapos sa 9,0,1 at 2 ang hindi babiyahe, 3,4,5 at 6 sa huwebes habang ang license plate 7,8,9 at 0 sa biyernes.
Ayon kay Artes ang nabanggit na dalwang number coding scheme ay ipapatupad tuwing rush hours mula alas-7 ng umaga hanggang alas10 ng umaga at sa hapon naman mula alas-5 hanggang alas-8 ng gabi.