-- Advertisements --

Inaprubahan ng China ang dalawa pang domestic COVID-19 vaccines para gamitin sa publiko.

Binubuo ito ng CanSino Biologics Incs at Wuhan Institute of Biological Products ka-grupo ng China National Pharmaceutical Group na Sinopharm.

Dahil dito ay makakasama nila ang Sinovac Biotech at Sinopharm na siyang bakuna na gagamitin ng mga taga China.

Ayon sa Chinese Health authorities na ang nasabing mga bakuna ay maaaring itago sa ordinaryong freezer kumpara sa ibang mga bakuna na mula sa ibang bansa.