LA UNION – Wala man lang naisalbang kagamitan ang ilang residenteng nagsilikas dahil sa pag-alburoto ng Bulkang Taal sa Batangas.
Sa kuwento ni Ginang Joanne Tizon, residente ng Barangay Liveste, Laurel, Batangas, kitang-kita nila mula sa kanilang tirahan sa dalampasigan ang pag-alburuto at hindi nila akalain ang masamang epekto nito.
Wala silang nagawa kasama ang mga residente roon, kundi ang lumikas agad at naglakad ng halos dawalang oras upang pumunta sa ligtas na lugar sa Barangay Niyogan sa naturang bayan.
Dagdag pa ni Ginang Tizon, wala silang dalang kagamitan maliban sa kanilang suot na damit at nananatili sila sa evacuation center sa Barangay Niyogan.
Samantala, naging pahirapan din ang rescue at relief operation lalo na sa lalawigan ng Batangas na malapit sa Bulkang Taal dahil sa ash fall.
Ayon kay Office of Civil Defense CALABARZON (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon) Information Oficer Alex Masiglat, maaasahan naman ang pamahalaan na mabibigyan ng tulong ang lahat ng kababayan na apektado ng kalamidad.
















