-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy pa rin ang mas pina-igting na combat operation ng mga yunit ng 4th Infantry ‘Diamond’ Division, Philippine Army sa Caraga Region at Northern Mindanao laban sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA).

Ito’y matapos mapatay sa pinakahuli nilang combat operation sa may Sitio Vertudazo, Brgy San Juan, Bayugan City, Agusan Del Sur, ang dalawang mga rebeldeng NPA na kinilalang sina Alyas Dano, regional finance officer at alyas Zig, regional medical staff ng Regional Sentro De Grabidad, North Eastern Mindanao Regional Committee habang iab’t ibang mga war materials din ang nakumpiska.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Major Francisco Garello Jr., tagapagsalilta ng 4th Infantry ‘Diamond’ Division, Philippine Army, bahagi ito sa mas pina-igting nilang focus military operation upang matiyak na walang gagawing pang-aatake ang mga rebelde sa kanilang anibersaryo ngayong araw.

Kasama sa mga narekober ng tropa ng gobyerno sa encounter site ang tig-iisang M4 carbine riflea at modified carbine fifle, iba’t ibang mga bala at magazines, 12 mga cellular phones at mga personal na kagamitan.

Kasama sa naglunsad ng Focus Military Operation ang tropa ng 7th Special Forces Company, 3rd Special Forces ‘Arrowhead’ Battalion at Alpha Company ng 65th Infantry Battalion pati na ang 4th Scout Ranger Company at 2nd Scout Ranger Battalion.