Reading Time: 1 minute

BACOLOD CITY – Arestado ang dalawang pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos ang engkwentro ng militar sa bayan ng Bindoy, Negros Oriental.

Ayon sa Provincial Police Office, nasa gitna ng security operation ang kanilang hanay kasama ang militar nang mahuli ang sinasabing mga rebelde.

Kinilala ang mga ito na sina Rico Oracoy, 39; at Lito Dusale, 51.

Nakuha sa mga ito ang dalawang calibre-.38 revolver, bala ng rifle grenade, dalawang improvised explosive device, isang bandolier at isang eco-bag

Ayon kay Negros Oriental PNP director police Col. Raul Tacaca, miyembro ng komunistang grupo ang mga magsasaka na nahuli ng 94th Infantry Batallion ng Philippine Army at 704th Regional Mobile Force Battalion 7.

Sa ngayon nakapiit sa Ayungon Police Station ang dalawang arestado.