-- Advertisements --

asgsub2

Boluntaryong sumuko ang dalawang notorious na Abu Sayyaf Group (ASG) sub-leaders sa Joint Task Force (JTF) Sulu at 11th Infantry “Alakdan” Division (11ID), sa Camp Teodulfo Bautista, Jolo, Sulu.

Kinilala ni JTF Sulu commander Maj. Gen. Ignatius N. Patrimonio ang mga sumuko na sina: ASG sub-leader alyas Mujer Yadah, 55; at ASG sub-leader alyas Ben Tatto, 41.

Ang dalawa ay kapwa tauhan ni ASG–Indanan kidnap-for-ransom group senior leader alyas Apo Mike.

Kasabay nilang isinuko ang dalawang M-16 rifles.

Sinabi ni Gen. Patrimonio na ang pagsuko ng dalawang ASG sub-leader ay indikasyon ng matagumpay na peace and security campaign sa Sulu, at makaka-engganyo pa sa ibang mga ASG members na magbalik-loob na sa pamahalaan.

Mula Enero ng taong ito, 67 ASG members na ang boluntaryong sumuko sa JTF Sulu, bitbit ang 35 high powered firearms at siyam na low-powered firearms.