-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Dalawa ang nasawi at anim ang naospital sa pananakit ng tiyan sa mga preso sa Kidapawan City Jail

Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang City Jail at City Health Office (CHO) kung ano ang posibleng dahilan sa pagkalason ng mga biktima.

Nag-imbestiga na ang CHO sa nakain o nainom na tubig ng mga Person Deprived of Liberty.

Nakaranas ng pananakit ng tiyan ang mga preso sa iisang selda lamang at ilan sa kanila ay nagka-LBM.

Sinabi ni City Jail Warden Chief Inspector Teddy Uchi, nagsimula ang pananakit ng tiyan ng isang PDL hanggang sa nagreklamo na rin ang iba pa nilang kasama.

Malaki ang paniniwala ni Uchi maaring sa paabot na pagkain ang posibleng sanhi ng kanilang pananakit na tiyan.

Sa ngayon ay patuloy na nagpapagaling ang anim na preso sa pagamutan.