-- Advertisements --
IMG 20200520 104220 resized 20200520 053507474

Ipinag-utos na ng Supreme Court (SC) sa pamamagitan ni Chief Justice Diosdado Peralta ang paglalagay ng dalawang makabagong makina o ng multi-function disinfection chambers sa Korte Suprema.

Ito ay bilang proteksiyon sa mga empleyadong magbabalik na sa trabaho kahit mayroon pa ring Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Matatagpuan ang dalawang makina sa lobby ng SC Main Building at sa SC Centennial Building sa Faura, Manila.

Ang disinfection chambers ay mayroong non-contact infrared temperature scanner, automatic hand sanitizer dispenser at ultrasonic atomization system.

Ang binansagang “automated frontliners” ng SC, ang bagong installed na disinfection chambers ay ang pinakahuling initiative ng Peralta Court para labanan ang COVID-19 pandemic.

Una rito, nang ipatupad ang lockdown noong buwan ng Marso ay namahagi rin ang SC ng face masks sa mga employees at nagbigay sa bawat opisina ng supply ng 70% solution rubbing alcohol para sa mga empleyado at bisita.

Naglagay din ang korte ng hand sanitizer dispenser sa labas ng kada opisina malapit sa mga elevators.

“The health and safety not only of all Court employees and their respective families, as well as the public, are among our top priorities. These are difficult and most trying times. We need to do everything that we can to protect them and keep them safe and healthy especially those who are compelled to physically report to the office to accomplish tasks which cannot be done at home. Likewise, he added that the Judiciary, under his watch, will continue to utilize present and modern technology and employ all possible and available means to fight COVID-19,” ani Peralta.

Tiniyak din ng punong mahistrado na sasailalim ang lahat ng mga empleyado ng Korte Suprema sa rapid testing kapag full operation na ang SC.

Pero bago raw ang But full operation, magsisimula na rin ang kataas-taasang hukuman na magsagawa ng rapid test sa mga empleyadong required na pumasok habang naka-modified enhanced community quarantine (MECQ) period ang Metro Manila.

Kasabay nito, umapela naman ang chief justice sa publikong manatili lamang sa kanilang bahay kapag wala namang importanteng gagawin sa labas ng kanilang mga bahay.