-- Advertisements --

LAOAG CITY – Patay ang dalawa mula sa tatlong magpipinsan na pawang tatlong taong gulang matapos malunod ang mga ito sa batis na sakop ng Barangay Corocor, Bacarra.

Nakilala ang mga namatay na sina Abriana Kelly Pascua at Rheid Bernie Nieves habang ang nakaligtas na patuloy na ginagamot sa ospital ay si Arjay Pascua, magpipinsan at pawang mga residente ng nasabing barangay.

San eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Laoag kay Chief Tanud Reynaldo Pumikpik, habang papauwi galing sa bukid ay ipinaalam ng kanyang anak na babae a may nakita itong bata sa batis dahilan upang agad na nagtungo ito sa lugar.

Aniya, nadatnan niya ang tatlong biktima na nalunod at agad na nagresponde kasabay ng pagdala sa mga ito sa ospital.

Samantala, sinabi nito na hindi na nakadating sa ospital na buhay ang dalawang bata.

Inpinawliwanag ni Pumikpik na ang lugar na malapit sa batis ay nakasanayan ng paglauran ng mga bata at sa unang beses na naligo ang mga ito.

Paniniwala ni Pumikpik na posibleng nadulas ang mga biktima dahilan upang nahulog ito sa mga tubig.

Dagdag ni Pumikpik na isa sa magulang ng mga biktima ay naglalaba ng mangyari ang insidente at posibleng hindi inakala ng mga ito na magtutungo ang mga bata sa batis dahil nakasanayan ang paglalaro nito sa lugar.

Kaugnay nito, sinabi ng isang binata na kasama sa pagsagip sa mga biktima na palutang-lutang na ang mga ito at sumama na sa agos ng tubig ng makita niya.

Aniya, maraming kasama ang mga biktima na nagtungo sa batis ng mangyari ang insidente.