ROXAS CITY – Sugatan ang anim katao matapos nagsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Barangay Natividad, Pilar Capiz.

Kinilala ang mga sugatan na sina Nino Aldea 19, driver ng motorsiklo sakay sina Nisan Vargas 21 ng Cayus Pilar, Rachelle Joy Mosqueda 20 ng Poblacion Pilar at dalawang menor de edad na babae.

Nagtamo naman ng sugat sa katawan ang driver ng nakasalpukan na motorsiklo na si Jojie Crispolon 18 ng Barangay Rosario, Pilar Capiz.

Habang binabaybay ng dalawag motorsiklo ang nasabing lugar aksidenteng nakasalpukan ng minamaneho na motorsiklo ni Crispolon ang motorsiklo ni Aldea.

Dahil sa aksidente nagtamo ng sugat sa katawan ang mga sakay ng motorsiklo na pawang confine sa ospital.