-- Advertisements --

Patuloy pa ring pinaghahanap ang dalawang miyembro ng pamilya Kennedy matapos na nawawala sa canoeing accident sa Chespeake Bay.

Kinilala ang mga ito na apo ni Robert F. Kennedy na si Maeve Kennedy Townsend McKean at 8-anyos na anak nitong si Gideon.

Base sa inisyal na imbestigasyon kinukuha ng dalawa ang bola na tumilapon sa ilog lawa habang lulan ang canoe.

Sinabi ni Maryland Gov. Larry Hogan na may narekober silang isang canoe na tumaob.

Nagsagawa na ng 26 na oras ang mga coastguard ng paghahanap subalit wala pa rin silang nakita.