DAVAO CITY – Naniniwala ngayon ang tropa nga pamahalaan na patuloy na bumababa ang bilang ng mga rebeldeng grupo sa ilang bahagi ng Mindanao matapos ang mahigpit na military operation.
Aasahan rin umano na hihina na ang puwersa ng mga rebeldeng grupo matapos mahuli ang dalawa sa mga high-ranking members ng NPA at pagsuko ng apat na iba pa sa mga sundalo sa Eastern Mindanao.
Bago ito ay nakapagsagawa pa ng intelligence operation ang 58th Infantry Battalion at AFP intelligence units.
Pagkatapos nito ay naaresto ng North Central Mindanao Regional Committee (SRC-1, NCMRC) sina Manuelito Satur, alias Misong/Estong; at Merlyn Satur. alias Maya.
Narekober sa kanilang posisyon ang ilang mga high-powered firearms gaya na lamang ng M4 Rifle, M203 Grenade launcher, Cal .45 Pistol na may magazine na puno ng bala, apat na mga 40mm Grenades, at marami pa.
Una na rin na sumuko sa isinagawang Law Enforcement and Support Operation (LESO) sa joint forces sa 23rd Infantry Battalion at Philippine National Police ang apat na iba pang mga CTG leaders ng Guerilla Front 4A (GF4A), NCMRC.
Sinasabing nahibirapan na ang mga ito sa kanilang sitwasyon sa bundok at baliwala umano ang kanilang pakikibaka sa gobyerno.
Ayon kay EastMinCom Commander LtGen. Greg T. Almerol nakapagdesisyon ang mga CTG leaders na sumuko sa otoridad dahil napapagod at nakaranas na sila ng gutom dahil sa sunod-sunod na mga engkuwentro sa pagitan nila ng mga tropa ng pamahalaan.