-- Advertisements --

Pinatawan ng multa ng PBA ang dalawang manlalaro ng Bay Area Dragons dahil sa batikos nila sa mga opisyal ng laro sa pagkatalo nila sa Barangay Ginebra ng Game 3 finals.

Nabigyan ng P100,000 na multa si Myles Powell habang maryoong 75,000 na multa si Hayden Blankley.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, pinatawag niya ang dalawang manalalaro dahil sa komento nila sa laro gamit ang kanilang mga social media.

Dagdag pa ni Marcial na humingi naman ang dalawa ng paumanhin sa kanilang nagawa subalit hindi aniya ito sapat.

Namultahan si Blankey matapos na sabihin sa kaniyang social media na “cooked” o niluto ang laro nila.

Ang multa kay Powell ay siyang pinakamalaki sa kasaysayan ng PBA.

Noong 2020 ay pinatawan ng P100,000 na multa ang Blackwater dahil sa pagsasagawa ng ensayo sa kasagsagan ng pandemiya.