-- Advertisements --

Natagpuang patay ang dalawang mangingisda sa magkahiwalay na lugar sa Cagayan sa gitna ng masamang panahon dala ng bagyong Maymay.

Isa sa mga mangingisda ang natagpuan sa Buguey municipality habang ang isa naman ay natagpuan sa Barangay Ipil sa bayan ng Gonzaga.

Samantala, batay sa latest tally ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nasa 3,611 indibidwal o 1,210 pamilya sa 35 barangay mula sa 10 bayan ang apektado ng bagyong Maymay.

Nakapagtala din ng pagbaha na aabot sa tuhod ang taas sa ilang mga bayan kabilang ang Pamplona at Aparri habang may ilang mga lugar naman na lumala ang pagbaha dahil na rin sa high tide.