CENTRAL MINDANAO- Dalawang magsasaka ang nasawi sa pananambang sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang mga biktima na sina Julic Peñalosa at si Radney Dillomes sr,mga residente ng Barangay Madanding Lambayong Sultan Kudarat.

Ayon sa ulat ng pulisya na lulan ang mga biktima sa isang motorsiklo sa sitio Balanakan Barangay Udtong Lambayong Sultan Kudarat malapit sa isang sementeryo nang bigla lang silang pinagbabaril ng mga hindi kilalang mga armadong kalalakihan.

Agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Lambayong.

Patay on the spot ang mga biktima nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.

Galing umano ang mga biktima sa panunuod ng larong basketball at bumisita sa isang namayapang kakilala,papauwi na sana sila sa kanilang tahanan at dumaan sa shutcut na kalsada ng itoy tambangan.

Hustisya naman ang sigaw ng mga pamilya at kamag-anak ng dalawang mga magsasakang pinatay.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad sa motibo sa pananambang sa mga biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.