biliran fire

TACLOBAN CITY – Dalawang magkasunod na sunog ang naitala sa bayan ng Caibiran, Biliran kagabi.

Una munang nangyari ang sunog bandang alas-6:00 ng gabi kung saan isang industrial copra dryer ang nasunog sa bahagi ng Barangay Uson, Caibiran.

Matapos ang dalawang oras ay nasundan naman ito ng sunog sa bahagi sa Sitio Puro, Palenque na kung saan aabot sa tatlong mga kabahayan ang natupok ng apoy.

Ayon kay FO1 Jovet Ballescas ng Bureau of Fire Protection (BFP- Biliran), patuloy pa ang kanilang ginagawang imbestigasyon kung ano ang naging sanhi ng naturang mga sunog.

Sa panayam ng Bombo Radyo news team sa ilang mga biktima, posible umanong ang nasaging kandila sa kurtina ang pinagmulan ng sunog.

Labis naman na ikinakabahala nila sa ngayon ang mga nangyayaring biglaang black out.

Maswerte naman na walang naitalang casualties mula sa naturang sunog