kobe bryant 1
Proposed Kobe Bryant logo

Aabot na sa halos 2 milyong pumirma na sa online petition para mapalitan ang NBA logo sa logo ni Kobe Bryant.

Inilunsad ang petition ilang oras matapos ang pagkasawi ng NBA legend at ito ay mabilis na nakaagaw ng atensyon.

Sa kasalukuyan kasi ay ginagamit ng NBA ang silhouette ng Lakers legend Jerry West na gamit pa noong 1971.

Umaasa naman ang maraming fans ni Bryant na mapakinggan ng NBA ang kanilang hiling.

NBA logo
Official NBA logo