-- Advertisements --
Iniulat ng Metropolitan Manila Development Authority na may ilan pang mga lungsod sa National Capital Region ang hindi pa rin nagpapatupad ng single-tickting system.
Ayon kay MMDA chairperson Romando Artes, mula sa 17 lungsod sa rehiyon ay mayroon pa ring dalawang natitirang mga lungsod ang hindi pa nakakakonekta sa Land Transportation Office para sa implementasyon nito.
Sa ngayon ay tumanggi muna ang opisyal na pangalan ang dalawang LGU ngunit gayunpaman ay sinabi niya na sa ngayon ay nasa 95% nang fully implemented ang single-ticketing system sa Metro Manila.
Kabilang sa mga lokal na pamahalaan na una nang naglunsad nito ay ang mga lungsod ng Manila, Paranaque, Caloocan, Quezon City, San Juan, Muntinlupa, Valenzuela, at Pasig City.