-- Advertisements --
Inaalerto ng Pagasa ang publiko dahil sa dalawang low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon sa Pagasa, ang unang LPA ay nasa layong 185 km sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Habang ang ikalawang namumuong sama ng panahon ay nasa layong 135 km sa hilaga hilagang kanluran ng Zamboanga City, Zamboanga del Sur.
Ang dalawang ito ay maghahatid ng mga masamang lagay ng panahon sa Visayas at Mindanao.
Habang ang extension nito ay magdadala din ng ulan sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Caraga, Eastern at Western Visayas.
Samantalang sa malaking parte ng Luzon ay hanging amihan naman ang magdadala ng malamig na hangin at paminsan-minsang buhos ng ulan.
















