-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Dead on the spot ang dalawang lalaki matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Brgy. Salvacion, Palanas, Masbate.

Kinilala ang mga biktima na sina Jomarie Etomay, 51-anyos at Jomar Estoya, 35-anyos na parehong residente ng bayan ng Palanas.

Sa impormasyon mula sa Police Regional Office 5, napag-alamang lulan ng tricycle ang dalawang biktima na bibili sana ng baboy sa naturang lugar ng bigla na lang pagbabarilin ng mga suspek.

Narekober sa pinangyarihan ang apat na basyo ng bala, isang live ammunition at isang slug para sa caliber 45.

Hindi pa malaman kung ano ang motibo sa krimen.

Nagsasagawa na ng follow up investigation ang Palanas Municipal Police Station para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto ng mga suspek.