-- Advertisements --
Nasawi ang dalawang Koreano matapos bumagsak ang isang Ultra Light Aircraft sa gitna ng palayan sa Barangay Panalicsican, Concepcion, Tarlac nitong Sabado ng umaga, Oktubre 18, 2025.
Ayon sa record ng mga otoridad, pasado alas-11:00 nang bumagsak ang sasakyang panghimpapawid ilang minuto lamang matapos itong mag-take off.
Tumilapon ito sa taniman bago tuluyang bumagsak at nagkapira-piraso.
Kinilala ang lalaking biktima bilang residente ng Barangay Dau, Mabalacat, Pampanga.
Patuloy namang inaalam ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan ng babaeng kasama sa insidente.