Naglabas ng abiso ang Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay ng kaligtasan sa dagat mula alas-4 hanggang alas-8 ng hapon ngayong Hulyo 10, 2026.
Sa isinagawang pagmamanman, apektado ang kabuuang 62 pantalan sa iba’t ibang rehiyon ng bansa dahil sa masamang kondisyon ng panahon.
Sa Southern Tagalog, ilang pangunahing pantalan gaya ng Real, Jomalig, Dinahican, Panukulan, Lucena, Alabat, San Andres, Bulalacao, Roxas, Concepcion, Pola, Romblon, San Agustin, Looc, Batangas, Bauan, Balayan, Lemery, Anilao, Tingloy at Balanacan ay nakapagtala ng 316 pasahero at 30 rolling cargoes na na-stranded, habang 111 barko at 120 motorbanca ang pansamantalang nagkubli.
Sa North Western Luzon, kabilang ang mga pantalan sa Agoo, Lingayen Gulf, Sual, Magsaysay, Salomague, Onri, Pasuquin at Laoag, may 20 barko ang nagkubli. Sa Southern Visayas, sa Sibulan at Maria, may 9 rolling cargoes na na-stranded at isang barko ang nagkubli.
Sa BARMM, partikular sa Bongao Pier, 130 pasahero at isang barko ang na-stranded. Sa Palawan, sa mga lugar ng Cuyo, Coron at El Nido, 64 pasahero at 4 na barko ang na-stranded. Sa North Eastern Luzon, sa Mahatao Shelter Port, 14 motorbanca ang nagkubli. Sa Central Visayas, sa mga pantalan ng Polambato, Daanbantayan, Mainit, Taloot, Talibon, Ubay, Popo, Mabini, Cogtong Bay, Tapal, Hagutapay, Pilar at Poro, naitala ang 94 pasahero, 97 rolling cargoes, 6 barko at 30 motorbanca na na-stranded, habang 18 barko at 17 motorbanca ang nagkubli.
Sa Western Visayas, sa Caticlan Jetty Port, Port Parola at Cop Lapuz, 261 pasahero at 95 rolling cargoes ang na-stranded, habang 5 barko at isang motorbanca ang nagkubli.
Sa Bicol, sa mga pantalan ng Pasacao, Mobo, Cataingan, Mintac, Aroroy, San Pascual, San Jacinto, Monreal, San Fernando at Lagundi, 92 pasahero, 11 rolling cargoes, 2 barko at 3 motorbanca ang na-stranded, habang 13 barko at 2 motorbanca ang nagkubli.
Sa kabuuan, umabot sa 957 pasahero, truck drivers at cargo helpers, 242 rolling cargoes, 13 barko at 33 motorbanca ang na-stranded, samantalang 168 barko at 154 motorbanca ang pansamantalang nagkubli upang makaiwas sa panganib dulot ng masamang panahon.















