-- Advertisements --
pinoy thai

Dalawang Pinoy ang natagpuang patay sa loob ng isang cargo container sa Bangkok, Thailand.

Ang 200-foot shipping container ay nagmula sa Pilipinas at dumating sa Laem Chabang port sa lalawigan ng Chon Buri noong Setyembre 28 bago ito dinala ng tren patungo sa isang bodega sa Lad Krabang sa Bangkok noong Oktubre 2.

Ayon sa mga awtoridad ang mga nabubulok na katawan ay pag-aari ng isang lalaki at isang babae, habang ang mga awtoridad ay nakatuklas ng isang itim na t-shirt sa malapit sa nasabing cargo na may nakasulat na “Alpha Kappa Rho, Vincit Omnia Veritas,” na pinaghihinalaang isang pangalan ng fraternity.

Ang lalagyan ay pagmamay-ari ng Evergreen Marine Corp.

Kinumpirma ng Philippine Ports Authority (PPA) ang mga ulat at idinagdag na ang lalagyan o container ay nagmula sa isang daungan sa Maynila.

Sa ngayon ayon kay South Harbor Port acting manager Catherine Esto, makikipag-ugnayan ang PPA sa Bureau of Customs para makakuha ng karagdagan pang mga impormasyon.