NAGA CITY – Patay ang dalawang katao sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa lungsod ng Lucena.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang ang biktimang si Christian Llaneta Nuera alyas Oron, 28, at ang live in partner na si Chris Chenery Dinglasan Datinguinoo sa loob ng kanilang bahay sa Purok Trade, Brgy. Ibabang Iyam nang dumating ang dalawang armadong lalaki.

Kinompronta nito si Nuera at inutusang ilabas ang iligal na droga saka pinaputukan sa ulo ang biktima na nauwi sa pagkamatay nito.

Samantala sa Purok Atis, Brgy. Mayao Crossing naman, isang pamamaril din ang naitala.

Habang sakay umano ng motorsiklo ang biktimang si Regina Afable Orbes, 41, kasama ang kanyang kaibigan.

Ngunit pagdating sa naturang lugar, bigla na lamang itong pinagbabaril ng riding in tandem suspek hanggang sa bawian ng buhay.

Nabatid na empleyado ng Provincial Government Office ang naturang biktima.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang mga insidente sa lungsod.