NAGA CITY- Patay ang dalawa katao matapos ang pag-inom ng umano’y nakakalason na lambanog sa lungsod ng Lucena.

Kinilala ang mga biktima na si Arvin Gonzales at Dominic Colegio na mga residente ng Brgy. Dalahikan sa nasabing lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Marcelito Platino hepe ng Lucena PNP, sinasabing gabi aniya ng Disyembre 23 mag-inuman ang dalawa sa nasabing lugar.

Subalit aniya makalipas lamang ang isang araw ng isugod na ang mga ito sa ospital dahil sa pagsusuka at pagkawala ng paningin.

Kaugnay nito, agad namang binawian ang buhay ang mga ito na kinumpirma naman methanol posioning ang dahilan.

Ayon pa dito, pansamantala munang pinatigil at produksyon ng nasabing inumin maging ang pagbebenta ng mga ito.

Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente habang patuloy na inaalam ang pinagmumulan ng mga inumin kahit pinatigil muna ang bentahan nito sa merkado.