-- Advertisements --

CAUAYAN CITY-Dalawang tao ang nasawi matapos na bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa bakod ng isang eskwelahan sa Maharlika Highway sa Brgy. Upi, Gamu, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Gamu Police Station ang dalawang nasawi ay sina Crisaldo Asis , 51 anyos, may-asawa, magsasaka at Marlon Agtarap, 45 anyos, may asawa, laborer at kapwa residente ng Purok 3, Brgy. Aggasian, City of Ilagan, Isabela.

Batay sa paunang pagsisiyasat ng Gamu Police Station sumalpok ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima sa bakod ng Gamu Rural School Annex na nagresulta para magtamo ng malalang sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ng mga biktima.

Nagawa namang maisugod sa pagamutan ang dalawang sakay ng motorsiklo sa pagamutan ng mga tumugon na kasapi ng DART Rescue team ngunit sila ay idineklarang dead on arrival ng kanilang attending physician.