CAUAYAN CITY- Dalawa ang nasawi habang isa ang nasugatan sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Sitio Loscon, barangay Gangalan, San Mariano, Isabela.

Ang mga nasawi ay ang dalawang tsuper na sina Melvin Domingo, 15 anyos , grade 8 student, residente ng naturang barangay at Junjun Quinto, 19 anyos, binata na residente ng barangay Libertad.

-- Advertisement --

Nasugatan naman ang angkas ni Domingo na si Jerwin Lariosa, 15 anyos, grade 8 student at residente ng barangay Gangalan, San Mariano, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMSgt. Jhonimar Baingan, tagasiyasat ng San Mariano Police Station, sinabi niya na pauwi na si Quinto mula sa Poblacion habang galing naman sa barangay Gangalan sina Domingo at Lariosa nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay umagaw ng linya si Domingo dahilan para magsalpukan ang dalawang motorsiklo.

Tumilapon ang parehong sakay ng dalawang motorsiklo na sanhi ng agarang kamatayan ng dalawa.

Si Lariosa naman ay walang malay na dinala sa pagamutan.