-- Advertisements --

Aabot sa 2,015 volcanic tremors, 734 low-frequency volcanic earthquakes at 18 hybrid ang naitala ng PHIVOLCS sa Taal Volcano magmula noong Pebrero dahil na rin sa “elevated increase” ng seismic activity sa lugar.

Ayon sa PHIVOLCS, ang harmonic tremor na iniuugnay sa magma migration ang siyang pinaka-dominant type ng earthquake magmula noong Marso 19, 2021 kasunod nang aktibidad sa Taal Volcano noong Pebrero 13.

Karamihan anila sa mga lindol ay nangyari sa mababaw na bahagi na hindi lalagpas sa dalawang kilometro ang lalim.

Pero may ilang mga malalakaing lindol ang nangyari sa mas malalim na dalawa hanggang anim na kilometro sa ilalim ng Taal Volcano Island edifice.

Nakapagtala rin ang Taal Volcano Network ng “generally high” sulfur dioxide gas emission sa mga nakalipas na linggo, kung saan ang peak ay umabot sa 1,184 tons noong Marso 21.