-- Advertisements --

embo

Nasa 2,000 residente ng EMBO barangays ang nabigyan ng libreng serbisyong medikal ng pamahalaang lokal ng Taguig matapos ideploy nito ang kanilang “love Caravan” kahapon October 7,2023.

Ayon kay Taguig Mayor Lani Cayetano, nagpasya silang ibigay ang mga serbisyong ito sa mga residente ng EMBO barangays matapos umatras ang Makati sa pangako nitong lisanin ang mga health center sa mga lugar na ito.

Ayon kay Cayetano ang mobile health center na may pinagsama-samang serbisyo ay gagawa ng mga round sa iba pang mga barangay ng EMBO sa mga darating na linggo, ng sa sa gayon ay maglalapit sa mga serbisyo ng lungsod sa mga residente nito.

Sinabi ni Cayetano na ang probisyon ng “Love Caravan” ay bahagi ng pagsisikap ng Taguig na mapaglingkuran ang mga nasasakupan nito nang mas mabuti at naaayon sa kanilang “Loving and Caring” motto.

” TaguigueƱos residing in EMBO areas can now easily access a wide range of free medical services, including consultations, OB-Gyne services for pregnant women and those with gynecological problems, pharmacy services, and diagnostics and laboratory services such as CBC, urinalysis, Random Blood Sugar (RBS), blood typing, Chest X-ray, ECG, and ultrasound,” pahayag ni Mayor Lani Cayetano.

Bukod pa rito, ang mobile health center ay nagbibigay ng mahahalagang serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan tulad ng mga libreng maintenance na gamot at flu quadrivalent vaccination para sa mga senior citizen, mga buntis na kababaihan, mga indibidwal na may comorbidities, at mga healthcare worker.

Available din ang mga bakuna sa HPV para sa edad 9 hanggang 14.

Para naman sa dental care, ang mga residente ay may access sa tooth extraction at mga serbisyo sa parmasya.

May-alok din na nutrition services gaya ng cooking demonstration ng masustansyang pagkain at pamamahagi ng mga gulay at iba pang mahahalagang sangkap.

Pina-facilitate din ng Love Caravan ang registration at distribution ng mga IDs para sa mga Persons with Disabilities sa pamamagitan ng Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO) at Senior Citizens sa pamamagitan ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA).

Namahagi naman ang City Social Welfare and Development (CSWDO) ng wheelchairs, crutches, at burial assistance, at tumulong din sa registration ng Philhealth ng Masa.

Lubos namang nagpasalamat ang ilang beneficiaries sa libreng serbisyo medikal.

Ayon kay Hermie Cardinal, 73-anyos residente ng Barangay West Rembo na malaking tulong ang nasabing serbisyong medikal para sa mga residente ng EMBO.

Tiniyak naman ng pamahalaang lokal ng Taguig na magpapatuloy ang mga ganitong serbisyong medikal.