-- Advertisements --
2 Japannese Destroyer

Nasa Pilipinas ang dalawang Japanese detroyers na JS Izumo at JS Samidre para sa isang goodwill visit matapos ang quadrilateral drills kasama ang Pilipinas, US at Australia sa pinagtatalunang karagatan ng China noong nakalipas na linggo.

Ayon kay Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa ang naturang pagbisita ay sumasalamin sa matatag na commitment ng Japan para sa pagpapalakas ng maritime security cooperation sa rehiyon.

Matatandaan na nagsagawa ng replenishment-at-sea ang PH, Australia at US at photo exercise sa kasagsagan ng drills noong Agosto 24.

Mananatili sa Maynila ang Japanese destroyer hanggang Agosto 31 para palakasin ang relasyon nito sa Philippine Navy.

Babalik ang dalawang barko sa Japan pagkatapos ng Indo-Pacific Deployment 2023 sa Setyembre na lalahukan ng mga tropa ng PH, US at Australia.

Ang JS Izumo ay nakadaong sa Manila South Harbor habang ang JS Samidare ay nakadaong 30 minuto ang layo mula sa Maynila.

Nakadaong din sa kasama ng mga barko ng Japan sa kapital ng bansa ang USS America at Canberra ng Australia.

Top