NAGA CITY – Pasok na sa finalist ng 24th Annual World Championships of Performing Arts (WCOPA) ang dalawang miyembro ng Ireland-based Pinoy singing group.

Ang nasabing grupo ay dynamic ensemble ng four vocal talents na mayroong kaniya-kaniyang talento sa iba’t ibang genre.

Kinabibilangan ito nina Marby Lynn Arriola, 17-anyos; Gwenaelle Noval, 16; Joshua Regala, 15; at si Fiona Cassandra Vargas, 13-anyos.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Naga sa grupong “The Brightlights,” masaya sila dahil nakapasok sa kakatapos pa lamang na semi-finals ng WCOPA.

THE BRIGHTLIGHTS 2

Ayon kay Gwenaelle, proud sila sa bawat isa lalo pa nang magawang makapasok sa finalist ng kompetisyon sina Joshua at Marby na nakatanggap din ng gold vocal awards.

Ayon naman kay Marby, bilang isang grupo ay natututo sila sa bawat isa pagdating sa paghasa ng kanilang talento sa pagkanta.

Nabuo umano ang kanilang grupo taong 2018 kung saan ito rin ang grupo ng unang Filipino band sa Ireland na nag-perform at nakapag-soldout ng concert sa Dublin noong November 2019.

Samantala, mensahe ng mga ito sa mga kabataan na patuloy lang na mangarap dahil lahat ay posible.