Inireklamo ni Transportation Secretary Jaime Bautista sina Manibela leader Mar Valbuena at journalist na si Ira Panganiban ng cyber libel sa tanggapan ng Department of Justice dahil sa umano’y paninira ng mga ito sa kalihim.
Ito ay paglabag sa Anti-cybercrime Law matapos akusahan si Bausita na may kinalaman sa umano’y mga iregularidad sa ahensya.
Nanindigan ang kalihim na hindi siya kailanman bahagi ng corruption at bribery schemes.
Ito ay may kaugnayan pa rin sa kasalukuyang kontrobersiya na bumabalot sa ilang matataas na opisyal ng DOTR at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Matatandaang pina-blotter ni Valbuena si Bautista ng dahil sa umano’y mga pagbabanta nito na magsasampa ng kaso laban sa kaniya.
Ito ay matapos na ibulgar ng isang whistleblower na si Jeff Tumbado na nagdedeliver umano ng pera si suspended LTFRB chair Teofilo Guadiz III sa kalihim.
Samantala, tuloy naman ang tigil pasada ng grupong Manibela ngayong araw at binigyang-diin ng grupo na posibleng mag tuloy ito sa susunod pang mga araw.
Iginiit niya na sakaling hindi na makayanan ng gutom, maari raw na bumalik na sila sa pamamasada.
/Tropio Anuada/