-- Advertisements --

DAVAO CITY – Tiniyak mismo ng medical chief sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) na walang dapat ipag-alala ang publiko sa lungsod matapos na nag-negatibo sa Novel Corona Virus (N-Cov) ang dalawang indibidwal na mula Thailand at China.

Ayon kay Dr. Leopoldo Vega, kahit may sintomas ang dalawang indibidwal sa nakakamatay na virus, hindi na na-confine ang mga ito dahil hindi naman delikado ang kanilang kalagayan.

Kasabay nito ang muling pagtiyak ni Vega na nakahanda ang SPMC kung may maitala silang pasyente na apektado ng 2019 Corona Virus.

Nakahanda na rin aniya ang isolation facility na una nang itinayo matapos ang outbreak noon sa mga sakit gaya ng severe acute respiratory syndromes o SARS, Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus o MersCov, African swine fever, at at Ebola virus.