Niyanig ng malakas na magnitude 6.7 na lindol ang southern Philippines, na ikinasawi ng mag-asawa partikulara sa bahagi ng Mindanao.
Ito ay habang ang mga tao ay lumikas palayo sa mga gusali at ang bahagi ng isang shopping mall na kisame ay gumuho dahil sa lakas ng pagyanig.
Ayon naman sa mga awtoridad, walang banta ng tsunami matapos tumama ang lindol sa lalawigan ng Sarangani sa pangunahing katimugang isla ng Mindanao.
Ang naganap na lindol ay nasa lalim na 78 kilometro noong 4.14 p.m. kahapon, araw ng Biyernes.
Natagpuang patay ang isang lalaki at ang kanyang asawa sa ilalim ng konkretong pader sa labas ng pagawaan ng kahoy malapit sa General Santos City kung saan nagtatrabaho ang mag-asawa.
Sa ngayon, inihahanda na ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan ang mga kinakailangang tulong upang kaagad na matugunan ang pangangailangan ng mga residente na apektado ng naturang lindol.