-- Advertisements --
LA UNION – Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga convicts na benepisyaryo ng good conduct time allowance (GCTA) na sumusuko ngayon matapos iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa ulat ng La Union Provincial Police Office, dalawang inmate ng New Bilibid Prison (NBP) mula sa naturang lalawigan ang sumuko sa kanilang tanggapan.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni police Maj. Silverio Ordinado, police relations officer ng La Union PNP na mula sa mga batab bg Aringay at San Juan ang dalawang convict na sumuko.
Kabilang daw ang mga ito sa 13 detainees ng NBP mula sa lalawigan.
Kapwa frustrated murder ang kaso ng dalawa.
Kaugnay nito umaasa ang pulisya na susuko sa mga susunod na araw ang iba pang NBP inmates sa lalawigan.